Sunday, November 23, 2008

hindi ko hiniling na mahalin mo ako.

Kahit ilang electric fan, stand fan at aircon ang nasa bahay mo, mahirap palamigin ang isang mainit na ulo.

Kailangan mo pa bang magkape sa umaga kapag ang headline naman ng iyong araw ay sobrang shocking talaga?

Ano ang halaga ng isang pangako kung wala naman itong anumang bahid ng katapatan?

Buhay ka bang talaga kung puro lihim na lang ang bumubuo sa pagkatao mo?

Wala na ang lahat sa iyo. Kanino ka pa tatawag kung puro answering machine na lang ang sumasagot sayo?

Maghihintay ka ba hanggang sa taong 3000 para lang iwanang muli?

Paano mo ipapakita ang iyong pag-ibig sa isang taong hindi naman tumitingin sa direksyon mo?

Maaangkin mo pa ba ang bahagi ng buhay mo na nabili na ng iba?

Aaasa ka pa ba sa katotohanan kung ang katotohanang iyon, pag nagpakita na sa iyo, ay hindi mo pala gusto?

Hanggang saan mo madadala ang sarili mo para lang makakuha ng trabaho?


***
Xpres
Nobyembre 27, 28 (7pm)
Nobyembre 29 (3pm at 7pm)
Php 120
Rizal Mini Theater
Ateneo de Manila University

xpres2008.multiply.com

ANG TANGING HILING KO LANG AY PANOORIN MO ANG DULANG ITO.

No comments: